TM is the key para manalo ng nakaka-GV na premyo!

May nanalo na! Bawing-bawi sa GV ang mga Ka-TM dahil sa bonggang cash prizes!

Parami na ng parami ang nata-transform ang buhay dahil sa TM is the Key Raffle hatid ng TM na ultimate GV partner ng mga Pinoy! Patuloy pa itong madadagdagan sa mga susunod na linggo hanggang sa grand draw sa June dahil limpak na limpak pang papremyo ang naghihintay sa mga Ka-TMs.

“Gusto namin makatulong na makabawi sa life ang ating mga Ka-TMs at isang paraan para gawin ito ay bigyan sila ng equal chance, kahit nasaan man sila sa Pilipinas, na manalo ng mga prizes na talaga namang nakaka-GV,” sabi ni Beatriz Lacson Limon, TM Brand Head.

Isa nga sa mga sinwerteng manalo ng 1 Million pesos redeemable via GCash ang estudyanteng si Marlon Agdon Labor tubong Calbayog City, Samar. Bigla na lang daw nag-message sa kanya ang mga kaklase niya sa kanilang group chat at masayang ibinalitang milyonaryo na siya matapos i-send ang screenshot ng announcement sa TM Tambayan page.

“Bago pa ako nanalo, pangarap ko talagang makapagtapos sa aking pag-aaral para makatulong sa aking family. Naawa na kasi ako sa tatay ko araw-gabi pumapalaot para may kita, pero kahit anong gawin, kulang pa rin. Kaya nagpursigi ako na mag-aral nang mabuti para makapagtapos at matulungan pamilya ko,” kwento ni Marlon.

TM is the key para manalo ng nakaka-GV na premyo!

Nagustuhan naman ng delivery rider na si Anthony Relova mula Caloocan City ang pagka-affordable ng mga TM promos at ang malakas na signal nito, kaya naisipan din niyang sumali sa TM is the Key Raffle. Siya naman ay sinwerteng nagwagi ng 100,000 pesos redeemable via GCash.

Ikinwento ni Anthony na gagamitin niya ang premyo bilang pampuhunan sa maliit na sari-sari store para dagdag kita at makabawi sa mga pagsubok ng pandemya. Plano rin niyang ipaayos ang requirements sa Meralco para magkaroon na sila ng sariling linya ng kuryente. 

Wagi rin si Roselyn Cervantes Lagata mula Koronadal City, South Cotabato ng 5G phone na sure na sure niyang magagamit bilang online seller. Napatalon nga raw siya sa tuwa nang malaman at agad-agad na ibinahagi ang good news sa kanyang partner.

“Register lang po kayo always sa TM promos and sali po kayo sa raffle. The more entries, the more chances of winning. Malay niyo, kayo na ang susunod na winner,” advice ni Roselyn sa mga Ka-TMs.

TM is the key para manalo ng nakaka-GV na premyo!

Tatlo lang sina Marlon, Anthony at Roselyn sa mga nanalo at mananalo pa ng 1 million, Php 100,000, 5G phones at mga Lazada at Shopee vouchers. Kahit nasaan mang rehiyon sa Pilipinas, may pantay na pagkakataong manalo ng mga exciting na papremyo mula sa TM.

Tuluy-tuloy lang ang pag-draw ng mga winners at tumataginting na 2 Million pesos ang mapapanalunan ng isang maswerteng Ka-TM kada buwan. At bilang bonus, may chance pa silang ma-meet and greet ang mga TM ambassadors na sina Alden Richards, Andrea Brillantes at SB19 sa grand draw sa June. Aasahan din ng mga Ka-TMs ang pagbugso ng mga prizes sa mga weekly draws dahil may sure winner kada region!

Para makasali, mag-register lang sa TM promos gamit ang New GlobeOne app para x100 ang entries for more chances of winning.

“Lakas maka-GV kapag nakakabawi sa life ang mga Ka-TMs dahil bawat region, sinisigurado naming TM is the Key sa kanilang GV everyday. Kaya naman asahan nilang huhusayan pa namin ang mga offers namin na talaga namang affordable at magagamit sa kanilang pang-araw-araw na work, study at entertainment para tuluy-tuloy ang pag-transform ng kanilang everyday,” dagdag ni Beatriz.

Liked this post? Follow SwirlingOverCoffee on Facebook, YouTube, and Instagram.